Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na nakahanda silang ipatupad muli ang faceshield policy sakaling ipag-utos ito muli ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Muli kasing hinimok pagsusuot ng face shield kasunod ng natuklasang bagong variant ng Covid-19 ang Omicron strain sa South Africa.
Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo, inaantay lamang ng PNP ang guidelines na ilalabas ng IATF hinggil sa pagsusuot muli ng face shield.
Dagdag pa ni Carlos sa ngayon, tinatago lang nila ang kanilang mga face shield at sa sandaling kailangan ito gamitin ay mayruon silang magamit.
” We will always abide with the IATF at kung yan ay makakatulong para maiwasan yung pagkalat nitong COVID-19 virus we leave it up to the experts kaya nga po palagi po kaming nagbabantay sa mga lumalabas na gabay o resolution ng atin pong IATF at nandiyan naman po yan. Ang amin pong mga face shields ay nilagay lang namin sa tabi pero nandiyan pa rin ho anytime. So as long as we could be of help, maprevent naman natin itong variant na ito. Kasama po kami sa buong gobyerno para mapangalagaan po yung ating mamamayan para hindi na ho mas kumalat itong hindi natin nakikitang kalaban na COVID-19 virus,” pahayag ni PNP Chief Gen. Carlos.