-- Advertisements --
Robredo
VP Leni Robredo

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na iprisinta kay Vice President Leni Robredo ang mga detalye at impormasyon kaugnay sa anti-drug campaign ng gobyerno.

Itoy kasunod sa naging pahayag ng Pangalawang Pangulo na kaniyang pupulungin bukas ang inter-agency committee on anti-illegal drugs na siyang co-chairperson.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen Bernard Banac, kasama sa kanilang ipiprisinta ang mga kasalukuyang umiiral na programa at achievements ng PNP sa kampanya kontra iligal na droga.

Sinabi ni Banac, inaasahan na nila ito lalot may direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay ang buong suporta at kooperasyon kay VP Leni.

Magsisilbi din aniyang inspirasyon ng PNP sa war on drugs ang pangalawang pangulo.

” Ang magiging participation ng VP ay napakalaking bagay, dala niya ang kanyang opisina at of course sya mismo ay magiging isa sa mga inspirasyon natin para ang ating kampanya sa illegal na droga ay magiging matagumpay at makamit natin ang mithiin na drug free Philippines by 2022,” wika ni BGen. Banac.