-- Advertisements --

Lalo pang pinalakas ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang intelligence operations para mahadlangan ang tangkang pag-atake ng mga komunistang New Peoples Army (NPA) sa bansa bilang sagot ng mga ito sa inilabas na Presidential Proclamation No. 374 na nagdedeklara na ang CPP NPA NDF bilang isang terrorist organization.

Ayon kay PNP Spokesperson CSupt. Dioanardo Carlos na nakahanda para labanan ang banta ng NPA sa komunidad, sa mga industries, private businesses at mga government installations.

Tiniyak ni Carlos na patuloy na mini-maintain ng PNP ang kanilang tactical capability sa pamamagitan ng kanilang national, regional and provincial manuever forces na siyang magreresponde sakaling maglunsad ng pag atake ang NPA.

Nagbabala naman ang heneral sa mga indibidwal na nagbibigay ng financial support sa CPP NPA dahil maaari na silang arestuhin .