Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng “warrantless arrests” laban sa mga napatunayang nagbanta sa mga mamamahayag ngayong panahon ng halalan.
Sinabi ni Police Spokesperson Col. Roderick Augustus Alba, ang chief focal person nationwide for media complaints, na nabuo ito matapos italaga ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pulisya bilang mga tinatawag na media security focal persons o “media security vanguards.”
Nilinaw naman ni Alba na tinitingnan din nila rito ang pag-validate ng mga reklamo at hindi lahat ng complaints.
Sinabi ni Alba sa ngayon, sa kanilang antas, hindi pa nakakatanggap ng mga reklamo ang pulisya.
Nagsimula ang election period noong Enero 9, habang ang campaign period ay nakatakdang magsimula sa susunod na linggo.
Ngunit sinabi ni Presidential Task Force on Media Security Executive Director Joel Egco na 3 ulat ang binabantayan — isa “malapit” sa kabisera na rehiyon, isa sa Mindanao, at sa Bicol.
Binanggit din ni Egco ang mga planong i-exempt ang mga media worker sa election gun ban ng Commission on Election (Comelec).