Tiniyak ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang kahandaan ng PNP na magdeploy ng mga karagdagang contact tracers kung kakailanganin ng mga Local Government Units (LGU).
Ito ay sa gitna ng kasalukuyang paghahanap ng mga LGU sa mga nakasalamuha ng walong aktibong kaso ng delta variant ng Covid 19 sa bansa.
Sinabi ni Eleazar na may mga tauhan sila na sanay sa contact tracing.
Makikipag-coordinate aniya ang PNP sa Department of Interior and Local Government (DILG) kung ilang karagdagang contact tracers ang kakailanganin.
Una na ring inatasan ni Eleazar ang mga concerned PNP units na paghandaan ang worst case scenario kung sakaling kumalat ang delta variant sa bansa.
Muling nakiusap sa publiko si Eleazar na sumunod sa minimum health protocols para maiwasan ang pagkalat ng mas nakakahawang variant ng Covid 19.