-- Advertisements --

Umabot na sa 1,563 na mga baril ang nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) mula ng ipatupad ng Commission on Election (COMELEC) ang gun ban.

Sinabi ni PNP spokesperson at Central Luzon police director Brig. Gen. Jean Fajardo, na mayroon silang naitalang 24 na suspected election-related incidents.

Sa nasabing bilang ay 11 dito ang kumpirmadong may kinalaman sa halalan habang 11 ang hindi konektado sa halalan at dalawa naman ang sumasailalim sa assesments.

Sa mga nakumpiskang baril ay 134 dito ay mula sa checkpoints habang karamihan ay mula sa police operations gaya sa anti-illegal drug operations, buy-bust at ilan pa.

Magiging epektibo ang gun ban nga hanggang Hunyo 11, 2025.