Nakakumpiska ang Philippine National Police’s (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng mahigit na P58.7 milyon na halaga ng pekeng sigarilyo at mga substandard na mga laptops na nagkakahalaga ng P500,000.
Ang nasabing operasyon ay pinagsamang halaga sa lalawigan ng Pangasinan at Quezon City.
Aabot sa 1,064 mastercases na mga iligal na sigarilyo ang nakumpiska sa lungsod ng Urdaneta, bayan ng Manaoag at Villasis sa lalawigan ng Pangasinan.
Habang sa operasyon sa Gilmore, New Manila, Quezon City ay nakumpiska ang 25 laptops nanagkakahalaga ng kalahating milyong piso.
Ang nasabing mga laptops ay hindi pumasa sa clearance ng National Telecommunication Communication (NTC).
Ang mga naarestong suspeks ay sinampahan na ng mga kaukulang kaso.