-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pinangunahan ni PNP chief General Debold Sinas ang inagurasyon ng bagong RT-PCR molecular laboratory sa Police Regional Office-XI.

Ayon sa opisyal na prayoridad muna nito ang mga pulis at gagamitin rin ito para sa publiko sa darating na panahon.

Una nang napag-alaman na ang nasabing laboratory ay maaaring makapagproseso ng halos 300 na mga specimen bawat araw.

Samantalang kinumpirma naman ni Sinas na nakapagsumite na ng kanilang anti-covid vaccine plan ang PNP sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ngunit hindi muna magbibigay ng ensaktong bilang nito ang opisyal.

Tiniyak ni Sinas na prayoridad sa kanilang listahan ang kanilang mga personahe na may kaugnayan sa security, distribution, mga frontliners, at mga vulnerable.

Dagdag pa ng opisyal, hindi bibili ang PNP ng COVID-19 vaccine para sa kanilang mga personahe dahil wala pa umano silang sapat na pondo bagkus ay maghihintay muna sila sa susunod na desisyon ng gobyerno.

Dumalo si Sinas sa regular flag ceremony sa PRO-XI kung saan siya rin ang nanguna sa pagbibigay ng award sa mga na-promote na PNP personnel.