Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng kabuuang 227,076 health protocol violators sa National Capital Region (NCR) simula ang implementasyon ng Alert Level 4.
Ang mga awtoridad ay nkapagtala ng 10,813 average daily numbers ng mga violators simula Setyembre 16 hanggang Oktubre 6.
Sa nasabing bilang, nasa 53% violators ang binalaan; 41% ang minumultahan at 6% ang pinarusahan.
Nasa 160,796 violators na may daily average na 7,657 ang nahuling lumabag sa minimum public health standards sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Aabot naman sa 63,752 violators or 3,067 daily ang nahuli na lumabag sa curfew.
Habang nasa 2,528 na mga nagpanggap na authorized persons outside residence (APORs) ang nahuli.
Kung maalala, ang NCR ay isinailalim sa Alert Level 4 bilang parte ng pilot testing ng implementasyon ng bagong five-level alert system na nagsimula noong Setyembre 16.