-- Advertisements --

Nakapagtala ng 41 bagong kaso ng COVID 19 ang hanay ng PNP.

Dahil dito, sumampa na sa 6,768 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID 19 sa PNP kung saan 617 rito ang active cases.

Nanguna sa may pinakamaraming bagong kaso ang Davao region na may 7, tig 6 naman sa Cordillera gayundin sa Northern Mindanao.

Tig apat naman ang nagmula sa NCRPO, Central Visayas, tatlo sa Caraga region habang tig dalawa naman sa National Operation Support Unit, National Headquarters, Ilocos region, Calabarzon at Zamboanga Peninsula.

Habang tig-isa naman ang naitala sa Central Luzon gayundin sa Eeastern Visayas at Wester Visayas.

Samantala, nananatili sa 21 pulis ang nasawi dahil sa Covid -19 virus.