-- Advertisements --

Nakapagtala ng 111 bagong naitalang Covid-19 cases ang Philippine National Police (PNP) ngayong araw, January 30,2022, sa kabuuan pumalo na sa 48,086 ang total number of cases sa organisasyon.


Patuloy din sa pagbaba ang active cases sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Sa datos na inilabas ng PNP Health Service (HS) nasa 1,597 na lamang sa ngayon ang active cases.

Nakapagtala din ang PNP ng 207 new recoveries, sa ngayon sumampa na sa 46,363 ang total recoveries.
Habang ang death toll ay nananatili sa 126.

Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng Covid-19 cases sa PNP, patuloy na nananawagan ang pamunuan ng PNP ASCOTF sa lahat ng personnel nito na striktong sundin ang minimum public health standard (MPHS).

Samantala, halos 97% personnel ng PNP ang fully vaccinated habang nasa 2.65% ang nakatanggap ng second dose at naghihintay na lamang kanilang second dose.

Patuloy naman na hinihikayat ng PNP ang kanilang mga tauhan na may vaccine hesitancy pa rin hanggang sa ngayon.

Sa datos ng Health Service nasa 0.42% personnel mula sa kabuuang police force ang mayruong vaccine hesitancy.