-- Advertisements --

Nakapagtala ng 133 bagong COVID-19 cases ang Philippine National Police (PNP) ngayong araw, kung saan pumalo na sa 20,398 ang kabuuang mga kaso sa hanay ng pambansang pulisya.

Batay sa datos na inilabas ng PNP ASCOTF at Health Service, sa nasabing bilang, 1,669 dito ay mga active cases, 52 sa mga ito ay nasa hospital habang ang 1,617 ay nasa mga isolation facilities.

Ayon kay PNP ASCOTF commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, pumalo na sa 18,673 ang total recoveries habang 142 ang nadagdagan na mga pulis na gumaling sa COVID-19.

Walang naitalang bagong fatality ang PNP ngayong araw at nananatili sa 56 ang bilang ng mga pulis na nasawi sa nakamamatay na virus.