Dalawang COVID-19 cases ang naitala ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw, Linggo November 28, 2021, habang nasa walong pulis ang gumaling sa virus.
Sa datos na inilabas ng Health Service, mayroon na lamang 60 aktibong kaso ang naitala.
Simula nuong mga nagdaang linggo patuloy ang pagbaba ng COVID active cases sa PNP.
Sa ngayon nasa 42,006 ang bilang ng mga pulis na gumaling sa sakit habang ang naitalang kabuuang kaso ay 42,191.
Wala namang naitalang bagong nasawi sa police force kaya nananatili sa 125 ang bilang ng nasaw mula sa simula.
Puspusan pa rin ang paalala ni PNP chief, Gen. Dioanardo Carlos sa kanyang mga tauhan na mag-ingat pa rin laban sa sakit lalo na’t nananatili pa rin itong banta at nakahahawa kahit pa halos buong puwersa nila ay bakunado na.
Sa kabuuang 225,803 na tauhan ng PNP, nasa 210,754 na ang fully vaccinated; 13,080 ang nakatanggap ng unang dose ng COVID-19 vaccines habang 396,888 ang lahat ng doses na naiturok sa police force.
Mayroon pang 1,969 pulis na hindi pa nababakunahan kung saan ang 859 ay may balidong dahilan gaya ng kanilang kondisyon habang 1,110 ang ayaw pa rin magpa bakuna.
Una nang inihayag ni PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, patuloy nilang hinihikayat ang kanilang personnel na hindi pa kumbinsidong magpabakuna na magpaturok na ng COVID-19 vaccine para matiyak ang proteksiyon laban sa severe infection.