-- Advertisements --

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 60 bagong kaso ng COVID-19.

Ayon kay PNP Spokesperson BGEN Bernard Banac, umaabot na sa 579 ang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa kanilang hanay, mataas ito kumpara sa 519 nitong Miyerkules.

Nadagdagan naman ng isa ang gumaling para sa kabuuang 317 habang nananatili sa siyam ang mga nasawi.

Ayon kay Banac, sa datos ng PNP Health Service, nasa 674 ang probable at 937 ang suspected cases.

Ang PNP PRO-3 ay nakapagtala ng 22 pulis na nagpositibo sa Covid-19.
Ang PRO 7 ay mayroong 22, NCRPO- 9, NHQ- 6 at isa PRO8- 1.


Una ng pinamamadali ni PNP chief Archie Francisco Gamboa ang pagtayo ng Covid 19 testing center sa Central Visayas.

Pinatitiyak din ni Gamboa sa PNP health service na natututukan ang kalagayan ng mga pulis na nag positibo sa Covid 19.