-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine National Police na umabot na sa apat na indibidwal ang kabuuang bilang ng mga naitalang nasawing indibidwal mula sa kumpirmadong election-related incident sa bansa.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen Jean Fajardo, ang datos na ito ay nanggaling sa 23 suspected election-related incidents.

Naitala ang bilang na ito mula Enero 12 hanggang Marso 2 ng taong kasalukuyan.

Mula sa kabuuang 23 suspected election-related incidents , walo dito ang nakumpirmang may kinalaman sa halalan habang apat naman mula sa walong confirmed election-related incident naitalang ang nasawi.

Kinabibilangan ito ng limang shooting incident, cyber libel, mauling at bombing incident.

Patuloy naman ang ginagawang pagbabantay ng mga tauhan ng Pambansang Pulisya para matiyak ang matiwasay na halalan ngayong taon sa bansa.