-- Advertisements --

Itinaas ng mga Philippine National Police (PNP) ang kanilang seguridad bilang paghahanda sa pag-atake ng New People’s Army (NPA) rebels at Communist Party of the Philippines (CPP) kasabay ng kanilang founding anniversary ngayong Disyembre 26.

Ayon sa kay PNP public information officer Brig. Gen. Jean Fajardo , na ang mga commanders sa mga malalayo o mga far-flung at isolated police stations na itinuturing na madaling atakihin ay inatasan nilang palakasin ang depensa.

Ayaw kasi nila na maging biktima ang mga ito ng harassment at ambush.

Dahil sa pagkakaaresto na rin ng ilang mga lider ng NPA ay hindi nila ipinagsasawalang bahala ang maaring pagganti ng mga ito kasabay ng CPP anniversary.

Nilinaw din nito na hindi sila magdedeklara ng suspension of police operations laban sa NPA rebels dahil ito ay ginagamit ng mga rebelde para sa pag-atake.