-- Advertisements --
Gamboa
PNP chief Lt. Gen. Archie Gamboa

Nakatakdang isumite ng Philippine National Police (PNP) sa March 5 ang validation results ng nasa 356 pulis na kabilang sa drug watchlist ng Pang. Rodrigo Duterte kasabay ng joint command conference ng PNP at AFP sa Malacañang.

Ayon kay PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa sa sandaling maisumite na ang resulta sa office of the chief PNP, may tatlong araw ito para isumite ang adjudication result kay Pang. Rodrigo Duterte para sa kaniyang approval.

Ang PNPs National Adjudication Board sa pamumuno ni Lt Gen. Camilo Cascolan ay mayroong isang buwan para tapusin ang validation.

Binigyang-diin ni Gamboa na ang board ang siyang gagawa ng hakbang laban sa mga police officials na nasa drug watchlist.

Sa kaso naman ni Lt Col. Jovie Espinido na nagpapa interview sa media, sinabi ni Gamboa he will deal with it internally.

Tumanggi namang magbigay ng anumany pahayag si Gamboa tungkol kay Espinido.