Nasa 250 doses ng Sinovac vaccines na natanggap ng PNP Officers’ Ladies Club (OLC) mula sa local government unit ng Quezon City ang ibinigay sa PNP para sa kanilang vaccination program.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay PNP ni Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) at PNP Deputy Chief for Administration (TCDA), Lt. Gen. Joselito Vera Cruz na nag-allocate ang QC LGU para sa OLC na pinamunuan ng asawa ni PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar na si Mrs Lalie Eleazar.
“Yes Anne, 250 doses of Sinovac from LGU QC for the project ng PNP OLC for PNP A3 ,” mensahe na ipinadala ni Vera Cruz sa Bombo Radyo.
Ang nasabing donasyong bakuna ay malaking tulong sa ongoing vaccination program ng PNP.
Sinabi pa ni Vera Cruz na inaantabayanan na rin nila ang panibagong batch ng bakuna na ibibigay sa kanila ng Department of Health (DOH).
Hindi naman masabi ng heneral kung kailan ibibigay ng gobyerno ang kanilang vaccine allocation.
Noong June 15 binakunahan ang mga nasa A4 Category ng PNP sa pangunguna mismo ni PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar.
Nasa 500 doses ng Sinovac vaccine ang paunang natanggap ng PNP mula sa kabuuang 28,000 doses na inilaan ng DOH para sa mga kapulisan sa Metro Manila na nasa A4 category.
Una ng hinimok ni PNP Chief ang mga kapulisan na magpa bakuna na sa kani-kanilang mga local government unit (LGU).