Nakatutok ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa isang area sa loob ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound kung saan naka-detect umano sila ng heartbeat 20-30 meters mula sa lupa gamit ang ground breaking penetrating radar.
Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, ginagamit nila ang detector na ito tuwing search and rescue operations kapag may kalamidad at naghahanap ng sign of life.
Ramdam din umano ng PNP na pinipigilan sila ng mga taga sunod ni Quiboloy na makalapit sa naturang area na tinututokan nila.
Pinaniniwalaan ng PNP na sa underground nagtatago ang puganteng pastor na si Apollo Quiboloy at ang mga kapwa nito akusado. Kasunod nito, tiniyak ni Fajardo, na malapit na nilang matunton ang secret entrance ng underground na ito.
Samantala, kahapon may naaresto na ang PNP na dalawang indibidwal na miyembro ng KOJC matapos umanong magpumilit na pumasok sa compound sa kabila ng request na hindi pipwedeng pumasok habang nagpapatuloy and search and rescue ops ng kapulisan.
Dagdag pa rito, ani Fajardo, hindi susuko ang kapulisan sa kabila ng pagod, puyat at gutom at alinsunod na rin sa direktiba ni PNP Chief Pol. Gen. Rommel Francisco Marbil.