-- Advertisements --

Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) para tumulong sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang PNP sa Department of Social and Welfare Development (DSWD) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa pamamahagi ng ikalawang bugso ng ayuda.

Ayon kay PNP Spokesperson B/Gen. Bernard Banac, nagma-map out na sila ng sistema at mga paraan para maabot ng mga pulis ang mga beneficiaries ng SAP sa mga barangay.

Sinabi ni Banac, bukod sa pagbabantay sa mga checkpoint, maasahan ang buong pwersa ang PNP, sa bagong trabaho na iniatang sa kanila.

Samantala, nagpapatuloy ang programa ng PNP na “Kapwa Ko Sagot Ko”, o ang voluntary food and relief assistance na ibinibigay ng mga police units sa mga higit na mahihirap sa kanilang areas of responsibility.