-- Advertisements --

Tiniyak ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na magdi-deploy sila ng mga police personnel sa mga premises ng mga eskwelahan sa sandaling magsisimula na ang klase.


Bukod sa pagbibigay seguridad, strikto din babantayan ng mga pulis kung nasusunod ang implementasyon ng minimum public health standards sa mga school premises.

Sinabi ni PNP Chief kung maraming mga campuses ang magbubukas maraming mga estudyante ang mag-attend ng classroom sessions.

Nakikipag-ugnayan na rin ngayon ang PNP sa Commission on Higher Education (CHED) para magkaroon ng communication lines sa mga school authorities, bilang paghahanda sa pagbabalik ng face-to-face classes sa mga piling Universities and Colleges nationwide.

Hinimok naman ng PNP ang mga estudyante at mga magulang na maging alerto at vigilant laban sa mga streetcrime crime incidents na karaniwan sa vicinity ng mga colleges at universities.

Nitong November 15, sinimulan ng DepED ang implementasyon ng pilot testing ng limited face-to-face classes sa ilang piling primary and secondary schools.

Nakatakda naman ianunsiyo ng CHED ang pagbubukas ng face-to-face classes higher educational institutions.