Nakikiusap ngayon sa publiko si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na mas maging maingat sa pagbuo ng balita at sa pagpopost sa social media lalo na kung tungkol sa mga krimen at insidenteng may kinalaman sa kanilang trabaho para maiwasan umano ang negative public perception.
Ani Marbil, sa kabila ng 26.76% na pagbaba sa crime rate ng bansa simula Enero, nakakatanggap pa rin ang kanilang opisina ng mga concerns patungkol sa kaligtasan at seguridad sa buong bansa na siyang ikinonekta nito sa mabilis na pagkalat ng mga crime-related contents sa social media platforms.
Maaari kasi itong pagmulan ng mga reports na kahit patuloy sa pagbaba ang crime rate ng Pailipinas ay magmumukhang lalo lamang itong lumalala dahil aniya sa isyu ng selective reporting na siya namang inamin ng hepe na isang global issue.
dahil dito, nagtalaga si Marbil ng karagdagang mga police units sa iba’t ibang bahagi ng bansa para mas maging panatag ang mga komunidad at mapataas din ang kamalayan ng publiko tungkol sa crime prevention at law enforcement.
Hinakayat din ng hepe ang kapulisan na patuloy na ibahagi ang mga positibong developments gaya ng mga matagumpay na operasyon at maski mga public safety initiatives ng mga ito at mga crime reportspara makapagbigay ng komprehensibong paglalarawan ng security landscape sa bansa.
Samantala, binigyang diin din ni Marbil na ang selective reporting ay kadalasang pinaguugatan din ng mga krimen at unusual crimes na siyang pinagmumulan naman ng atensyon at social media amlification dahilan para kumalat ang mga negatibong impormasyon sa publiko.
Layon ngayon ng PNP na maiwasan na ang ganitong uri ng reporting at iminungkahi ang kahalagahan ng pagbibigay ng proper context sa pagsasalaysay ng mga insidente.