-- Advertisements --

Nakiusap ang PNP sa mga mamamayan na sumunod sa mga ipinapatupad na batas ngayong nagsimula ang election period.

Sinabi ni PNP chief Police Gen. Dionardo Carlos, na dahil sa pagsisimula na ng election period ay asahan ang kabilaang Comelec checkpoints na magtatapos ng hanggang Hunyo 8,2022.

Lahat aniya ng mga License to own firearms outside residente ay kanselado at maaari lamang ito payagan kapag nakakuha aniya ng valid certificated of authority mula sa Commission on Election.

Tanging mga alagad lamang ng batas ang papayagang magdala ng baril basta sila ay naka-uniporme at nakaduty.

Maari lamang payagan ang mga kapulisan na magdala ng kanilang baril kapag sila ay nagsasagawa ng intelligence o counter-intelligence gathering o may nirespondihang police emergencies.