Nanindigan ang Philippine National Police na hindi nila kukunsintihin ang kanilang mga kabaro na masasangkot sa anumang uri ng krimen at kanila itong sisibakin sa pwesto.
Ito ang ginawang pahayag ng Pambansang Pulisya sa harapan ng mga kawani ng Media.
Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, na ito ang mandato sa kanila ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil.
Aniya, sibak kaagad at hindi suspensyon at demosyon ang gusto ng PNP chief sa oras na mapatunayang guilty ang kanilang mga tauhan.
Kinumpirma rin ni Fajardo na ipinag utos na ni PNP Chief Marbil ang mabilisang imbestigasyon sa mga PNP personnel na sangkot sa kasong kriminal.
Ani Fajardo, ang hakbang na ito sa kabila ng mga bilang ng mga Pulis na nasasangkot sa iba’t ibang klase ng krimen sa bansa.
Kung maalala, naaresto ang apat na tauhan ng PNP dahil sa naging kaugnayan umano ito sa kaso ng kidnapping sa apat na Chinese National sa lungsod ng Pasay.
Ilan lang ito sa mga insidente na nahaharap ang isang pulis sa ganitong uri ng mga ilegal na gawain.