-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Nanindigan ang PNP na walang nalabag na batas at legal ang pagkakahuli ng dalawang aktibista sa Bicol.

Kahapon ng hulihin ng pulis sina Maria Jesusa Sta. Rosa na tagapagsalita ng Jovenes Anakbayan at Danilo Banalnal Balucio alyas “Pastor Dan” natagapagsalita naman ng Bayan Bicol matapos na makuhanan ng mga bala at pampasabog sa search warrant operation.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazppi kay PRO Bicol spokesperson Police Major Malou Calubaquib, nakuhanan si Sta. Rosa ng isang caliber 9mm pistol, isang fragmented hand grenade, at improvise explosive devise habang isang caliber .45 pistol, isang steel magazine para sa M14 rifle at isang granada naman ang nakuha kay Balucio.

Pinasinungalingan ng opisyal ang mga alegasyon na itinanim lang ang mga armas dahil kasama sa operasyon ang mga mandatory witness.

Hindi rin umano ito parte ng crackdown sa mga aktibista dahil nagkataon lang na may mga iligal na pampasabog at baril ang mga nahuling suspek.

Maalalang mismong si Bayan Muna Partylist Representative Ferdinand Gaite ang kumondena sa operasyon at nanawagan sa pagpapalaya sa dalawa.