-- Advertisements --

Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na mayroong sabwatan sa mga taong sangkot sa pagkawala ng anim na mga sabungero sa Manila Arena.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, ang naturang sabwatan ay hindi lamang sa tungkol sa pagkawala ng mga sabungero ngunit pati na rin aniya sa pag-mislead sa mga imbestigador ng pulisya.

Aniya, mayroong airtight case ang pulisya laban sa mga suspek dahil nasa kanilang panig ang isang vital witness na nakakita mismo kung paano kinuha at isinakay sa van ang anim na nawawalang sabungero.

Ang mga suspek na ito aniya, maging ang iba pang John Does ay pinaniniwalaang nagsasabwatan upang guluhin ang kanilang isinasagawang imbesti

Sinabi rin ni Fajardo na naghain na ng mga kaso ng kidnapping at serious illegal detention ang Criminal Investigation and Detection Group sa Department of Justice laban sa walong suspek na may kaugnayan sa kaso ng pagkawala ng anim na mga sabungero.

Una rito ay ipinahayag na rin ng PNP na tinutunton na nito ang mga taong nasa likod ng disinformation na layuning guluhin ang imbestigasyon sa pagkawala ng hindi bababa sa 34 na mga sabungero sa pamamagitan ng paggamit ng mga larawan ng ilang bangkay, na kuha sa isang ambush sa Guindulungan, Maguindanao.