-- Advertisements --

corpus

Nasa ‘full alert status’ at ‘offensive mode’ ngayon ang Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagdiriwang ng CPP-NPA ng kanilang ika-52nd anniversary ngayong araw March 29,2021.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PNP Directorate for Operations Maj. Gen. Alfred Corpus, kaniyang sinabi na inatasan ni PNP Chief Gen.Debold Sinas ang lahat ng mga police commanders sa buong bansa na palakasin ang kanilang counter insurgency operations at siguraduhin na hindi makapaglunsad ng mga pag-atake ang mga Communist Terrorist Group lalo na sa mga kampo ng PNP.

” We issued a directive that we go offensive, so lumabas sila sa kanilang opisina sa kanilang mga camps and conduct patrols yung counter insurgeny operations,” pahayag ni Maj. Gen. Corpus sa panayam ng Bombo Radyo.

Lebak NPA 3

Sinabi ni Corpus, na sa kabila ng pagiging abala ng mga pulis dito sa NCR Plus Bubble kasunod ng implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) nakahanda ang ibang PNP units para tutukan ang kanilang anti-criminality operations lalo na ang kampanya laban sa insurgency at terrorism.

Ayon sa heneral sa tuwing ginugunita ng CPP-NPA ang kanilang anibersaryo may mga inilulunsad talaga ang mga ito ng mga pag-atake.

Mahigpit din ang seguridad na ipinatutupad ng PNP sa mga checkpoints na posibleng targetin ng mga communist terrorists group.

Kaya asahan na may mga armadong uniformed police personnel na naka deploy din sa mga checkpoints.

” Yung hierchy ang ating mahal na chief PNP issued a directive, some sort of a reminder that today is CPP anniversary and kapag dumarating ang ganitong panahon may mga nangyayari raids on our detachment yung mga malalayo naming units so we reminded them that we should be on alert and be vigilant magsagawa ng security survey inspection sa mga units on the ground to make sure that they can actually depend themselves from any enemy attacks,” pahayag ni Maj. Gen. Corpus.