-- Advertisements --

Pinag-ibayo ngayon ang offensive mode ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga kumunistang New People’s Army (NPA) na naglunsad ng landmine attack na ikinasawi ng anim na sundalo habang 20 ang sugatan sa Borongan, Eastern Samar.

Ayon kay PNP OIC chief Lt Gen. Archie Gamboa, bukod sa nakaalerto ang PNP at AFP pinatitiyak nito sa mga ground commanders na mahigpit ang ipinapatupad nilang seguridad sa lahat ng mga vital installations.

Nakataas din ang alerto sa lahat ng kampo ng PNP lalo na sa mga lugar na kilalang NPA infested areas.

Sinabi ni Gamboa hindi na bago ang ginagawang IED attack o gamit ang improvised explosive device ng NPA.

Nais kasi ng rebeldeng grupo na ipakita na malakas pa ang kanilang pwersa.

“Ganyan naman sila palagi. They would always want to tell the people na nandyan pa sila but according to the latest report the other month of the AFP or even the previous months mababa na ang bilang nila but of course ang nireresort nila is always terrorism para ipakita na meron pa sila and nabalitaan nyo siguro nagkaroon ng engkwentro doon. As a matter of fact on the other side of samar doon saan nangyari yung may SAF tayo na pulis na natamaan din but we are very glad na buhay sya in a very stable condition already. So we have frequently warned our police station kasi ito lang ang kayang gawin ng mga NPA terrorist so continuous naman yung aming warning sa kanila to defend vital installations especially police stations but if possible also go offensive. Huwag na natin antayin sila pumunta sa atin, tayo ang pumunta sa kanila para tingnan natin kung gaano sila kalakas, ” wika pa ni PNP chief Gamboa.