-- Advertisements --
PNP OIC Archie Gamboa
PNP OIC chief Lt Gen. Archie Francisco Gamboa

Tiniyak ni PNP OIC chief Lt. Gen. Archie Gamboa na nasa tamang pamamalakad ang Philippine National Police (PNP) kahit wala pang itinalagang bagong PNP chief si Pangulong Rodrigo Duterte matapos bumaba sa pwesto si dating PNP chief at ngayon retired Gen. Oscar Albayalde.

Ayon kay Gamboa walang epekto sa kanilang daily routine ang walang permanenteng PNP chief, dahil kahit OIC lamang siya epektibo naman nitong pinamumunuan ang organisasyon.

Aniya, kahit limitado ang kapangyarihan na ibinigay ng NAPOLCOM sapat naman ito para magawa niya ang kaniyang trabaho dahil siya pa rin mananagot kapag may mangyari sa kanilang hanay.

Tumanggi namang magkomento si Gamboa sa isyu kung panahon na ba na dapat may italagang PNP chief ang Pangulo.

“Hindi naman nawala ang chief. I am the OIC and effectively I head the organization and answerable and we can manage with the powers given to me by the Napolcom. I don’t see any problem,” wika ni Lt Gen. Gamboa.