Nilinaw ngayon ng pamunuan ng pambansang pulisya na magkaiba ang procedure nila sa pagpili para maging awardee sa pinakamataas na award ang medalya ng kagitingan kung ikukumpara sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa panayam kay PNP spokesperson S/Supt. Dionardo Carlos, sinabi nito na magkaiba ang privileges na ibinibigay sa mga awardee ng Medalya ng Kagitingan.
Paliwanag ni Carlos na magkaiba ang composition ng board na nag-review sa SAF42 kung saan kanilang tiningnan ang BOI report at ang mga testimonya ng dalawang survivors.
Sinabi ni Carlos na sa pagbibigay ng Medal of Valor kailangan may magpapatunay o makapagbigay ng salaysay kung ano ang totoong nangyari.
Sa panig kasi ng SAF44 may dalawang survivors na nagbigay ng salaysay at batay sa isinagawang imbestigasyon at naging appreciation ng board na nag-review sa pagkamatay sa SAF42 kanilang inirekomenda na bigyan ng Medalya ng Kagitingan ang mga ito.
“We hope that they will understand that iba ho yung nagrereview sa PNP medalya ng kagitingan, in the appreciation of the board, they do deserve posthumously awarded so yun,” paliwanag ni Carlos.
Dagdag pa ni Carlos na magkaiba ang monetary benefits na nakukuha ng mga sundalong Medal of Valor awardee kumpara sa PNP.
Sa AFP kasi nasa P75,000 kada buwan habang nasa P20,000 naman sa PNP.
Nabatid na ang monetary benefits na ibinibigay para sa mga medal of valor awardee sa AFP ay mula sa national government habang sa PNP ay mula mismo sa budget ng pambansang pulisya.
Samantala, malinaw sa Malacañang order na Medal of Valor o Medalya ng Kagitingan ang ibinigay sa SAF42.