-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na hindi dapat nakikialam at trabaho lamang ng mga pulis na magbigay seguridad sa Oplan Baklas ng Comelec.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay Police Provincial Office director Col. Byron Tabernilla, hanggat maari ay dapat na hayaan na lamang ng kapulisan na gawin ng mga tauhan ng Comelec ang kanilang trabaho at saka lamang aaksyon sakaling may banta na sa seguridad.
Layunin umano nito na maiwasan naman na mabahiran ng politika ang kapulisan na dapat ay manatiling non-partisan sa eleksyon.
Kaugnay nito, pinayuhan na umano ang mga tauhan ng Albay PPO na sumunod sa nasabing kautusan sakaling mag-umpisa na rin ang Oplan Baklas sa lalawigan.