Nilinaw ng Philippine National Police na nagkakahalaga lamang sa Php9.68 billion na halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad sa isang checkpoint sa Alitagtag, Batangas.
Ito ang iniulat ng Pambansang Pulisya makaraang matapos na ang official inventory sa mga nakumpiskang ilegal na droga sa naturang lugar sa loob ng dalawang araw mula nang maharang ang naturang mga kontrabando.
Dito ay lumalabas na may kabuuang bilang na 1.4 tons at hindi 2 tons ang kargang shabu ng van na hinarang ng kapulisan sa naturang checkpoint.
Paliwanag ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, ang naunang figure na mahigit Php13.3 billion na halaga ng naturang ipinagbabawal na gamot na una nang napaulat ay batay lamang sa initial estimation ng Philippine Drug Enforcement Agency base sa itsura at Laman ng mga sakong kanilang nasamsam.
Kasabay nito ay nilinaw din niya na hindi binawasan ang mga nakumpiskang droga na dahilan umano Kung bakit bumaba ang bilang nito.
Samantala, sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PDEA ang mga nasamsam na droga habang nakakulong na sa Batangas Police Provincial Office ang lalaking suspek sa kasong ito na kinilala sa pangalang “Al”, siya ang driver ng van nang sitahin ng mga pulis sa kasagsagan ng checkpoint operation.
Naisailalim na ito sa inquest proceedings matapos na sampahan ng mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa Section 5, Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs