Nirerespeto ng Pambansang Pulisya ang naging kapasyahan ng Makati City Regional Trial Court Branch 148.
Ito’y makaraang maglabas ng resolusyon si presiding Judge Andres Soriano na nagbabasura sa hirit ng Department of Justice (DOJ) na maglabas ito ng Warrant of Arrest at HDO o Hold Departure Order.
Gayundin ang pagtanggi ni Soriano na buksang muli ang pagdinig hinggil sa kasong Coup d’ etat na isinampa laban kay Trillanes.
Ayon kay PNP Spokesman CSupt. Benigno Durana, bilang isang Law Enforcement Agency, kanilang igagalang at susundin anuman ang maging desisyon ng Judicial Authority.
Magugunitang inihayag ng PNP na nakahanda na ang magiging kulungan ni Sen.Trillanes sa PNP Custodial Center anumang oras sakaling magpasya ang korte na siya’y ipaaaresto.
Maliban sa pagbasura ng korte sa hirit na ipaaresto ang Senador, Pinagtibay naman nito ang inilabas na kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapawalang bisa sa iginawad na Amnestiya kay Sen. Trillanes ni dating Pangulong Benigno Noynoy Aquino III.