Nirerespeto ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos ang pahayag ni Presidential aspirant Sen Ping Lacson na nakukulangan siya sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Ayon kay Carlos na welcome sa kanila ang pahayag ni Lacson at kinikilala nila ang kanilang mga pagkukulang.
Paliwanag niya, ginagawa lang ng PNP ang kanilang trabaho katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Dagdag pa ni Carlos, naniniwala naman siyang malaki na ang nagbago sa drug situation sa bansa.
Marami na kasing mga naaresto at napasuko na drug suspek at mga nasirang laboratoryo ng shabu.
Pagdating naman sa isyu ng mga patayan, sinabi ni Carlos na gumagana ang justice system sa bansa dahil napapanagot naman ang lahat ng mga dapat mapanagot.
Naka-focus daw kasi ito masyado sa law enforcement at nalimutan ang aspeto ng prevention at rehabilitation.