Nagpaliwanag si PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa kaugnay sa mga serye ng pag relieve sa pwesto ng mga chief of police, dinepensa naman nito ang hindi pagsibak sa pwesto kay Manila Police District Director CSupt. Joel Coronel.
Sinabi ni Dela Rosa na magkaiba ang sitwasyon at mga insidente na nangyari.
Sa panig naman daw kasi ng MPD hindi abuso mula sa pulis ang nangyari at nakita naman niya na ginawa ni Coronel ang lahat ng kaniyang makakaya.
Sa kampo naman ng PNP na sinalakay ng mga rebeldeng NPA ay malinaw na kapabayaan o nagkaroon talaga ng failure of intelligence.
Samantala, hindi naniniwala si Dela Rosa na walang kinalaman sa personal na away ang nangyawing twin bombing sa Quiapo na ikinasawi ng dalawang indibidwal habang anim ang sugatan.
Tanong ni Dela Rosa kung walang may galit kay Atty. Nasser Abinal bakit naka pangalan sa kaniya ang package na may lamang pampasabog.
Aniya, kung terorista ang nasa likod ng pagsabog bakit pinadala pa sa isang indibidwal, dapat ay inilagay na lamang ito sa isang lugar kung saan marami ang magiging casualties sa pagsabog.
Una ng itinanggi ni Atty. Abinal na may mga indibidwal na galit sa kaniya, naniniwala ang abogado na terorismo ang nangyaring pagsabog.
Sinabi ni Dela Rosa na hanggang sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon kaugnay sa twin bombing sa Quiapo.