Dumistansya ang PNP sa naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na mas gugustuhin pa nito ang patuloy na operasyon ng jueteng sa bansa kaysa sa illegal na droga.
Una nang inihayag ng Pangulong Duterte na naging kabuhayan o livelihood na raw ng mga mahihirap ang nasabing sugal.
Sa kabila ng pahayag na ito ng pangulo, tuloy pa rin ang PNP sa kanilang kampanya laban sa illegal gambling.
Ayon kay PNP Spokesperson, P/Col. Bernard Banac, patuloy ang kanilang panghuhuli sa mga indibdwal na masasangkot sa operasyon ng jueteng dahil paglabag ito sa Republic Act No. 9287.
Nanatili aniya ang kanilang pagtupad sa kanilang tungkuling hulihin ang mga nasasangkot sa operasyon ng illegal gambling at illegal drugs.
Giit ni Banac, suportado ng PNP ang numbers game operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office na Small Town Lottery bilang pamalit sa jueteng.