-- Advertisements --

Nagpalipad ng mga puting kalapati ang mga PNP officers sa Camp Crame, kasabay ng pagdiriwang ng ika-120th Independence Day ng Pilipinas ngayong araw, June 12, 2018.

Ang pagpapalipad ng mga puting kalapati ay simbolo ng kalayaan.

Ang nasabing aktibidad ay pinanguhan nina Dir. DGen. Tomas Apolinario, Deputy Dir. Gen. Fernando Mendez at iba pa.

Habang sa loob ng PNP Multi-Purpose Hall isinagawa ang programa para sa anibersaryo ng Araw ng Kalayaan dahil sa maulang panahon.

Bawat miyembro ng PNP ay may bitbit na bandila ng Pilipinas bilang pakikibahagi sa paggunita ng Ika-120 Taong pagdiriwang Ng Araw Ng Kalayaan na may temang: “Pagbabagong Ipinaglaban, Alay sa Masaganang Kinabukasan.”

Nasa Kawit, Cavite naman si PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.