Ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang nasa likod ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy noon pang 2016.
Matatandaang si Lacson ay dati ring pinuno ng PNP, kaya kilala raw niya ang ibang kasabwat ni Bikoy.
Pero idinadawit noon sa expose si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at dating Executive Secretary Jojo Ochoa sa iligal na droga at smuggling.
Sinabi ni Lacson na PNP officials na nais na magsipsip noong 2016 sa bagong Duterte administration ang nasa likod ni Bikoy.
Aminado ang senador na ang iba rito ay nagkaroon ng mataas na posisyon noon sa PNP kung saan ang iba rito ay retired na sa kasalukuyan.
“Di ko alam kung pareho. Pero may nag-handle sa kanya noon based on information na mga sabihin ko nang active members of the PNP at the time. Noong 2016. Kung sino nag-handle sa kanya ngayon kung the same people di ko na alam yan. Pero based on the information I gathered, he was working with some PNP personnel who were still active at the time,” wika ni Lacson.
Plano ng mambabatas na kausapin ang mga naturang police officials at payuhan na hangga’t maari ay huwag makisawsaw sa pulitika.