-- Advertisements --

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) sa anumang imbestigasyon na kanilang kakaharapin matapos ang kanilang ginawang pag-aresto sa tatlong abogado makaraan ang isinagawang pagsalakay sa isang bar sa Makati.

Ito’y matapos magdesisyon ang Senado at Kamara na magsagawa na rin ng mga pagdinig kaugnay sa nasabing insidente.

Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde bukas ang kanilang ahensya sa anumang pagsisiyasat.

Giit ni Albayalde na ang gagawing imbestigasyon ay isang magandang paraan upang matukoy ang totoong nangyari.

Naniniwala si Albayalde na may matibay na basehan ang kanyang mga tauhan para arestuhin ang tatlong abogado.

Binigyang diin pa ni Albayalde na “nobody is above the law.”

Ang tatlong abogado ay sinampahan ng PNP ng obstruction of justice, at constructive possesion of illegal drugs.

Alegasyon ng Makati police na nakialam ang tatlong abogado sa ginagawa ng mga pulis na pagsisilbi ng search warrant.

Una nang tiniyak ni Albayalde na bibigyan nila ng magagaling na abogado ang mga pulis sakaling sampahan ng counter charges.