-- Advertisements --

Welcome kay PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang gagawing parallel investigation ng PNP kasama ang National Bureau of Investigation (NBI) lalo na sa mga tinaguriang high profile cases.

Una nang nagpahayag ng interes ang NBI na tumulong sa pag imbestiga sa kaso ni Fr. Richmond Nilo.

Ayon kay PNP chief mas makakabuti kung makakatuwang nila ang NBI sa pag-iimbestiga dahil hindi lamang isang
source ang pagmumulan ng resulta ng imbestigasyon.

Hindi lamang sa kaso ni Fr. Richmond Nilo kundi maging ang kaso ng napatay na dating Rep. Eufranio Eriguel ng La Union.

Sinabi ni Albayalde na wala naman problema kung mag-iimbestiga rin ang NBI.

Dagdag pa ni PNP chief, sa ngayon kailangan nila ng kooperasyon lalo na sa pagresolba sa mga tinaguriang high profile na mga kaso.

Giit ni Albayalde na nais din nilang tuldukan ang isyu na professional jelousy sa pagitan ng PNP at NBI.

Aniya, panahon na para magtulungan ang dalawang ahensiya dahil ito kailangan ng bayan.

“Sabi ko nga done were the days na parang may konting professional jelousy between the PNP and NBI, wala na ngayon yun. What we need now is full cooperation and full collaboration between our agency and the NBI, because we all want justice dito, iisa ang gusto natin, iisa ang goal natin dito to give justice to this victims especially Father Nilo,” pahayag ni Albayalde.

Pinasinungalingan din ni PNP chief ang ulat na “fall guy” ang naarestong suspek na si Adell Roll Milan.

Sinabi ni Albayalde na malakas ang ebidensiya na nagtuturo na si Milan ang prime suspek sa pagpatay sa pari.

Tatlong anggulo sa motibo ang tinitingnan ng PNP, ito ay ang pagtulong nito sa mga naaapi lalo na ang mga biktima ng pangmomolestiya at umano’y usapin sa conflict” sa relihiyon.