Ipinagmalaki ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na lalo pang pinalakas ng PNP Cybercrime Division ang kanilang kampanya laban sa online child abuse.
Sinabi ng Kalihim, pinaigting pa ng PNP ang kanilang cyber patrolling sa cyberspace at bilang patunay dito ang pagkaka-aresto sa 413 na kabataan ang kanilang narescue at nasa 88 na mga suspeks ang arestado at sa nasabing bilang 38 dito ang convicted.
Ayon kay Abalos simula 2019 hanggang 2024 nasa 214 online child abuse cases ang natanggap ng PNP kung saan nagkasa sila ng 98 operations.
Binigyang-diin din ng Kalihim na hindi sila titigil hanggat hindi napaparusahan ang mga nasa likod ng mga pang-aabuso sa mga kabataan.
Sinabi ni Abalos na mahigpit ang direktiba ni Pangulong Marcos na tugunan ang nasabing problema dahil kaniya itong itinuturing na na worst of all crimes dahil ang sangkot ay mga inosdenteng maga bata.
Upang tugunan ang isyu sa online child abuse kailangan ng inter-agency approach ibig sabihin pagsama-samahin ang ang pwersa o lakas ng gobyerno.
Hindi lamang ang PNP ang gagalaw kundi maging ang DOJ na siyang mag prosecute sa mga suspeks at ang DSWD naman ang titingin sa mga batang biktima.
Pinatitiyak din ng Punong Ehekutibo na mayruong masusumbungan ang mga bata partikular sa mga barangay.
May itinalagang Violence against women and children (VAWC) desk ang PNP sa mga komunidad.