Pabor ang pamunuan ng PNP na ibalik ang death penalty ngunit ito ay para lamang sa mga big time drug suppliers.
Ayon kay PNP chief Gen. Archie Gamboa, naniniwala sila na makatutulong ang death penalty para mapigilan ang pagkalat ng supply ng illegal drugs sa bansa.
Sinabi ni Gamboa kahit matindi ang kampanya laban sa illegal drugs ng administrasyon ay tuloy pa rin ang illegal drug operation ng mga sindikato, katwiran kasi ng mga ito walang bitay na parusa sa ating bansa.
Sinabi ni Gamboa, kung sila ang masusunod ay ang minimum na makukumpiska mula sa isang drug suspek ay dapat 50 gramo ng shabu upang pasok sa parusang bitay.
Ito ay para mapawi ang pangamba ng mga tutol sa death penalty na ang magiging target lang ng batas ay ang mga ordinaryong drug pushers.
“That’s what the President have said, we are requesting that this imposition of the death penalty should be enacted into law, because the Philippine National Police (PNP) believes that with this kind of imposition there would be a deterrence on crimes and then nakita natin even if we compare it with other countries na na-apprehend natin na mga foreigners na nandito, ang unang tanong bakit nila ginagawa dito, because they are in a way convenient in the absence of a death penalty, so the PNP believes that the death penalty should be imposed,” pahayag pa ni Gen. Gamboa.