Inurong sa huling araw ng Hulyo ang palugit ng gobyerno sa paglalagay ng mga protective barrier sa mga mag-aangkas sa motorsiklo.
Sa isang pahayag, sinabi ni Joint Task Force Covid Shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar na ito ay kasunod ng mga natatanggap nilang request mula sa mga motorcycle rider na bigyan pa ng sapat na panahon na makasunod.
Ilan lang daw kasi sa kanila ay hindi pa malaman kung saan mabibili ang mga aprubadong design ng barrier.
Sa konsultasyon, inihayag ni Eleazar na nasabihan na ang mga motorcycle dealer sa buong bansa kung saan makabiibili ng barrier.
Meron din daw mahahanap aniya sa mga sikat na online store.
Nakipag-ugnayan naman na daw si Eleazar sa Department of Trade and Industry (DTI) para masigurong hindi makalulusot sa merkado ang mga substandard na barrier.
Batay sa bagong schedule, sisimulan na ang pagdampot sa mga nag-aangkas na motorcycle rider nang walang tamang protective barrier simula Agosto 1.