Patuloy ang gagawing pag-proseso ng Philippine National Police (PNP) sa mga convicts na nais pang sumuko.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, bukas ang lahat ng police station sa buong bansa para iproseso ang mga convicts na nais sumuko na napalaya dahil sa GCTA.
Palalakasin din ng PNP ang monitoring sa mga convicts habang naghihintay ng “go signal” para i-resume ang isasagawang manhunt operation.
Una ng hiniling ng DOJ sa PNP na itigil ang manhunt laban sa mga convicts at hintayin ang ibibigay na bagong listahan.
Pero inihayag ng Malacañang na tuloy pa rin ang pagtugis sa mga ito.
“The PNP will continue to receive and process the surrender of convicts released thru GCTA while awaiting the revised list and further instructions from DOJ.
Meantime, manhunt operations by 106 tracker teams had been put on hold but continuous monitoring operations of all concerned convicts still at large will be intensified to effect their immediate arrest as soon as the revised list is obtained,” pahayag na ipinadala ni BGen. Banac.