Palalakasin pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang police visibility sa mga paaralan at mga lugar na posibleng maging target ng kidnapping incidents.
Sa ngayon nakikipag-ugnayan na ang PNP sa mga paaralan sa Metro Manila, partikular sa mga international school, upang mapa-igting ang seguridad.
Pahayag ito ni PNP Anti Kidnapping Group Director Col. Elmer Ragay, kasunod ng insidente ng pagdukot sa isang estudyante ng isang international school sa Taguig City, na pinutulan ng daliri ng kidnappers.
Sinabi ni Col. Ragay, pinaigting ng PNP ang kanilang information dissemination sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga materyales o impormasyon kontra kidnapping, mayroon rin silang mobile team na maaaring i-tap para magsagawa ng lecture kaugnay sa safety tips.
Ayon naman kay NCRPO Director PBGen. Anthony Aberin, pinai-igting na nila ang kanilang presensya sa mga lugar na psibleng paggawan ng ganitong krimen.
Habang pinalalakas na rin nila ang kanilang kampaniya sa social media, kontra kidnapping.
Hiling din ng PNP sa publiko na maging mapagmatyag sa mga kapaligiran.