-- Advertisements --

Mahaharap sa patong-patong na kaso ang mga indibidwal na nagtago kay Pastor Apollo Quiboloy upang hindi ito kaagad mahuli ng mga otoridad.

Ayon kay Police Regional Office 11 Director, PBGen. Nicolas Torre III , isinasapinal na nila ngayon ang listahan ng mga taong sangkot dito.

Batay sa datos, aabot sa mahigit 10 na indibidwal ang maaaring nasa likod ng pagkakanlong sa noo’y puganteng pastor.

Kabilang sa kasong kahaharapin ng mga ito ay kasong inciting to sedition at conspiracy to commit inciting to sedition .

Bagamat wala pa pangalan ang isinasapubliko, sinabi ni Torre na ang ilan sa mga ito ay kilalang indibidwal.

Kung maaalala, mismong si PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang nag-utos sa CIDG at Anti-Cybercrime Group n a bumuo ng Special Composite Team para bumuo ng malakas na kasong ihahain laban sa mga nagkanlong kay Quiboloy.