-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa naganap na pagtangay sa mga alahas at pera ni Department of Transportation Assitant Secretary Goddes Libiran.

Sa kaniyang social media account, ibinahagi ni Libiran ang pangyayari.

Umalis umano ito sa bahay para magpaturok ng COVID-19 booster vaccine subalit pagbalik nito ay nalimas na ang kaniyang mga alahas.

Dagdag pa nito na mismo ang kaniyang kinuhang kasama sa bahay mula sa isang agency ang siyang nasa likod umano ng pagnanakaw ng mga alahas.

Nanawagan ito sa mga otoridad na hanapin ang nasabing suspek at desidido itong makasuhan.