-- Advertisements --

(Update) KORONADAL CITY – Nakataas ngayon ang alerto sa bayan ng Aleosan, North Cotabato matapos ang pagpapasabog ng granada sa Brgy. Bagolibas ng nasabing bayan.

Una nang kinilala ang tatlong mga sugatan na sina Randy Cantomayor, 44; Eleoterio Cantomayor, 65, at 13-anyos na si Genie Cantomayor na nagtamo ng sugat mula sa shrapnel matapos hinagisan at pinasabugan ng granada ng isang lalaking nakamotorsiklo ang dinaluhan nilang birthday party.

Agad namang tumakas sa hindi malamang direksyon ang suspek matapos ang pagpapasabog.

Ayon kay Captain Arvin Cambang, hepe ng Aleosan PNP, patuloy pa rin ang pagtugis nila sa suspek at inaalam pa ang motibo sa nasabing pag-atake.