-- Advertisements --

MANILA – Bumubuo na raw ng panuntunan ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para maiwasan na ang mga insidente ng “misencounter.”

Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, pinag-usapan na nila ni PDEA director general Wilkins Villanueva kung paano mare-resolba ang naturang mga insidente.

Muntik nang magsalpukan ang mga operatibo ng dalawang ahensya noong Biyernes dahil sa isang anti-illegal drug operation sa Quezon City.

Noong Pebrero naman nang magpalitan ng putok ang mga pulis at PDEA agents sa tapat ng isang fastfood restaurant, dahil din sa isang operasyon.

Ilang operatiba ng PDEA ang nasawi sa tinaguriang “misencounter.”

Ani Eleazar, nagkasundo sila ni Villanueva para maiwasan na ang sagupaan sa pagitan ng kanilang mga grupo.

Lalo na kung nasa teritoryo ng police station.

“Walang itong pinagkaiba sa vehicular accident. Para maiwasan ng collision or accident dapat walang sasakyan na magoccupy ng iisang space. As simple as that yun ang gagawin natin,” ayon sa PNP chief.