Nagkasundo sina PDEA Director General Wilkins Villanueva at PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na pag isahin na lamang ang datos kanilang nationwide implementation ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP) at Philippine Anti-Drug Strategy (PADS).
Layon ng pagkakaisa sa mga datos ay para maiwasan ang kalituhan.
Sa ngayon kapwa pinalakas ng PNP at PDEA ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.
Samantala, pinasinayaan ngayong araw sa Kampo Crame ang Anti-Illegal drugs Operation thru Reinforcement and Education (ADORE).
Inilunsad din ngayong araw ng PNP ang Oplan Double Barrel 2022.
Pinangunahan ni PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos ang seremoniya kung saan, panauhing pandangal si Department of Health Secretary Francisco Duque III.
Ayon kay Carlos, paiigtingin ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency ang kanilang kampaniya kontra iligal na droga ngayong pumasok na sa new normal ang bansa.
Partikular na tututok ang Oplan Double Barrel Finale sa Rehabilitation, Reintegration and Recovery ng may 1.2 milyong nabiktima ng iligal na droga.